|
September 13, 2003
Nagaganap ngayon (Setyembre
10 - 13) sa Cancun Mexico ang ika-5 Ministerial Meeting ng World Trade
Organization kung saan muling pag-uusapan kung paano pahihirapan ng mga
mayayamang mga bansa ang mga mahihirap at 'di pa maunlad na mga bansa gaya
ng Pilipinas.

Ang mga mayayamang bansa tulad ng United States (US), Japan, Canada, mga
bansang kasapi sa European Union (France Great Britain, Spain, iba pa) at
Australia ay ipagpipilitan na ipatupad ang mga sumusunc_ na patakaran sa
ating ekonomiya:
1) AoA. Agreement on Agriculture. Bunga nito nawawalan tayo ng seguridad
sa pagkain dahil babawasan ang mga lupaing pinagtatamnan ng bigas at mais
at ang pangunahin na nating itatanim ay mga panluwas na mga halaman tulad
ng mga "broccoli" at "cut flowers". Bukod dito, binawasan ang taripa sa
maraming mga dayuhang produktong agrikultural kaya bumaha nito sa ating
palengke. Bunga nito libo-libong manggagawa at mga magsasaka ang nawalan
ng trabaho habang tumaas ng doble ang ating pagangkat ng dayuhang produkto
mula $1.6 bilyon nool1g 1993 sa $2.7 billion noong 2000 nang wala naman
tayong pinagkukunan ng pambili kundi pangungutang din kung saan ang mga
kondisyones ay laic lamang nagbabaon sa atin sa utang at ibayong kahirapan.
2) GATs. General Agreement on Trade in Services. Kaisahan sa
pakikipagkalakalan sa serbisyo (edukasyon, kalusugan, komunikasyon,
pinansya, iba pang pampublikong serbisyo) Madadagdagan pa ang problema
natin sa tubig at kuryente dahil sa patuloy itong hahawakan ng pribadong
sektor 0 mga kapitalista hindi na lamang sa Manila kundi sa buong bansa;
gayundin sa eduk.-asyon. n€1P_ataa? I]__ng matrikula, ilalako pa ng
gobyerno ang mga pampublikong mga paaralan at uim'Jersida'd sa mga
kapitalista; napupunta na din ang pampublikong koreo 0 hatid-sulat sa
pribadong sektor; atbp.
3) TRIPs. Trade Related Intellectual Property Rights. Anumang paghahangad
ng mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas na umunlad sa pamamagitan ng
"transfer of technology" at "leap frogging" (dalawang pamamaraan na
naunang ginamit ng mga mauunlad na bansa) ay ipinagbawal na ng WTO.
Samantala, inunahan na tayo ng ibang mga bansa sa paghain ng "patent" 0 "karapatan
sa pagmamayari" ng mga nililikha na nating "nata de coco" para sa gamit
industriyal at ng ating "Iagundi" para sa pagpapaunlad ng medisina.
4) TRIMs. Trade Related Investment Measures. Bahagi nito ang pagbibigay ng
karapatan sa mga kapitalista na bawasan 0 hindi gumamit ng mga hilaw na
produkto mula sa ating bansa sa mga nililikha nitong mga produkto.
Kaya hindi dapat na magtagumpay ang WTO. Sarna-sarna tayong kumilos at
lumaban kasabay ng iba pang mga mapagpalayang kilusan sa buong daigdig
upang mapigilan na magtagumpay ang WTO. Tutu/an natin ang ating gobyerno
na patuloy na ibenta ang ating kinabukasan sa mga naghahari sa WTO.
Pigilan natin ang gobyerno na ipatupad ang mga patakaran ng WTO.
May solusyon sa krisis na ating nadaramal Umasa sa sariling lakas ng
pagkakaisal Isulong ang unyonismo ng masang Pilipino!
See
Also:
|